Revised E-Class Record Inclined to DepEd Memorandum No. 42 s. 2020
Ang Departamento ng Edukasyon ay nagpalabas ng gabay sa pagbibigay ng marka sa mga bata ngayong ikaapat na markahan, taong panuruan 2019-2020 kaugnay nang hindi inaasahang pagkansela ng klase. Ang pagkansela na ito ay nagdulot ng iba't ibang problema lalo na sa mga pribadong paaralan isa na dyan ang paraan ng pagpipigay ng huling marka sa bata kahit walang naisasagawang pagsusulit.
Ayon sa nasabing ahensya ang pagbibigay ng marka sa bata ngayong patapos na kasalukuyang taong panuruan ay ibabatay na lamang sa mga naisagawang Written Works at Performance Tasks ng bata. Sa kasalukuyan ay aming paaralan ay gumagamit nitong tinatawag naming Revised E-Class Record na masinsinang pinag-aralan at binago ng aming BSA ICT Support. Gayundin, sinikap namin gawin ang lahat upang ang template na ito ay magamit di ng ibang paaralan, pribado man o pampubliko.
Comments
Post a Comment